PATAY ang 23-anyos na binata matapos barilin sa ulo ng kanyang nakainuman sa Sitio Salipit, Bgy. Talisay, Calatagan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Cri Rosales habang suspek si Abelardo Bahia alyas Abel.
Pasado alas-7:00 ng gabi, magkasama pang nag-iinuman ang dalawa sa bakanteng bahay nang magtalo sa hindi pa malamang dahilan.
Bumunot umano ng cal. .45 baril ang suspek saka ipinutok sa ulo ng biktima na daglian nitong ikinamatay.
Tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Bgy. Biga ng nasabing bayan.