top of page
Search
Gina Plenago

3 kulong sa sugal


INARESTO ang tatlong lalaki nang mahuli sa aktong nagsusugal ng dice at makumpiskahan pa ng umano’y iligal na droga sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Col. Rogelio Simon ang mga suspek na sina Julio Panaligan alyas Boy Tambak, 24, barker, ng MCDA Extension, Bgy. Cembo, Makati City; Jerome Cebito alyas Motug/Tomtom, 28, at Jomar Artillera, 28, kapwa ng Bgy. South Cembo.

Nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct 7 ang tatlong suspek sa Malvar St., Bgy. South Cembo, alas-2:00 ng madaling-araw.

Agad rumesponde sina Cpl. Charls Jacla at Pat. Lawrence Galsim matapos matanggap ang report kaugnay sa sumbong ng concerned citizen sa nagaganap na sugal sa lugar.

Hindi na nagawang tumakbo ng mga suspek nang mabulaga ang mga ito sa pagdating ng mga pulis na sanhi ng kanilang pagkakadakip at marekober ang dalawang pirasong dice, P80 cash na pusta sa sugal at tig-isang pakete ng umano’y shabu sa bulsa nina Panaligan at Cebito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page