CURIOUS din ba kayo, mga besh, kung bakit hindi kaaya-aya ang amoy ng ating dumi? Hmmm… it’s a tie! Hi-hi-hi!
Hindi man ito madalas pag-usapan dahil marami ang nandidiri, ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng mabahong amoy ng dumi ay hindi lamang naibabase sa diyeta ng partikular na tao kundi may kinalaman din ang mga sumusunod na kemikal:
1. METHYL SULFIDES. Base sa pag-aaral, ang kemikal na ito ay nakukuha sa pagkain ng mga gulay, partikular ng cabbage o repolyo. Kaya sa mga vegetarian diyan, alam n’yo na, ha?
2. INDOLE. Ito ang kemikal kung saan makikita ang bilang ng bacterial species. Ang hitsura nito ay parang coal tar at ayon sa mga dalubhasa, eh, parte ito ng flower scents. Ang indole ay nakukuha sa mga bakteryang mayroon sa pagkain tulad ng street foods at junk foods.
3. SKATOLE. Ito ang breakdown product ng amino acid na tryptophan. Tulad ng Indole, ito rin ay nasa flower scents tulad ng orange blossom. Samantala, ang skatole ay nakikita sa ice cream. Kaya kung mahilig ka rito, huwag ka ng magtaka pa, beshy!
4. HYDROGEN SULFIDE. Ito ang compound na colorless, corrosive, poisonous, flammable at kaamoy ng bulok na itlog. Kaya kung may kakilala kayo na ganito ang amoy kung magpasabog, for sure, ito ang dahilan nu’n. He-he-he! Dagdag pa rito, knows ba ninyo na ang compound na ito ay nakukuha sa pag-inom ng mineral water? Hala!
Ang pagkakaroon ng mabahong amoy ng dumi ay hindi lamang sa kinakain o kemikal nakukuha dahil maaari rin itong makuha kung umiinom kayo ng gamot. Kaya kung may mang-asar sa inyo, at least, may masasabi at maisasagot na kayong dahilan.
Okidoki?