Bulgarific
KAPAG nagmamahal, dapat loyal sa ating minamahal tulad ng Pag-IBIG Fund, loyal sa kanilang mga miyembro. Kaya naman naglabas ng Pag-IBIG Fund Loyalty card, pero wait, dahil ang loyalty card, upgraded na!
Ang dating Pag-IBIG Loyalty Card, Pag-IBIG Loyalty Card Plus na! Ang card na maaaring makakuha ng discount at rewards, puwede na ring cash card!
Maaari nang makuha ng borrower ang kanilang multi-purpose loan, MP2 dividends at iba pang benepisyo gamit ang bagong Pag-IBIG Fund Loyalty Card Plus. Mas pinadali ito dahil hindi na kailangan pang maghintay ng mga miyembro para ma-clear ang kanilang tseke, isang withdraw lang sa ATM machine, makukuha na agad!
Para ma-avail ang Loyalty Card Plus, nakipagtulungan ang ahensiya sa ilan sa mga malalaking pangalan sa banking industry tulad ng Union Bank of the Philippines at Asia United Bank. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ang ahensiya ng iba pang bangko para maging partner sa proyektong ito.
Ibinahagi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na maaari rin itong gamitin bilang debit card para sa cashless transactions at mayroon din itong EMV chip, kapareho sa debit at credit card para ma-secure ang lahat ng transaction.
Halos 9,955 new cards na ang nailabas sa loob lamang ng 3 linggo at P24.77 milyon ang na-disburse sa P1,505 borrowers ng MPL gamit ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus.
Tuluy-tuloy pa rin ang makukuha nating discount sa halos 300 partner establishments ng ahensiya. Mula 5-50% ang maaari nating matipid sa grocery, fuel, tuition fee, hospital bill, medicine at kahit sa pagkain at travel expenses! Hindi lang ‘yan, maaari na ring ma-access dito ang soon-to-be launch na Virtual Pag-IBIG online service na kayang mag-conduct ng transaction anytime, anywhere!
Ito lamang ay bahagi ng marami pang proyekto ng Pag-IBIG Fund na layong paglingkuran ang kanilang mga miyembro saanmang sulok ng mundo, tapat na serbisyo, mula sa puso.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo