No Problem
![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_3d848ee7da2f4d16883df9927c82e173~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/5376bf_3d848ee7da2f4d16883df9927c82e173~mv2.jpg)
MADALI nating malalaman kung dehydrated tayo dahil nakikita ito sa kulay ng ihi natin. Wait, there’s more, beshies! Bukod pa rito, ang amoy ng hininga, mood at iba pa ay maaari ring makapagsabi kung dehydrated tayo. Bakit kaya? Hmmm…
1. MABAHONG HININGA. Ang laway ay nagwa-wash away ng food particles na naiiwan sa dila sa pagitan ng mga ngipin at gilagid pagkatapos kumain. Kapag dry ang bibig, ang food particles na ito ay nagiging dahilan ng pagdami ng bacteria na nauuwi sa bad breath.
Para maiwasan ito, uminom ng tubig bawat oras para mapanatili ang moist sa bibig. Kung kailangan ng extra freshener, puwede rin ang chewing gum o candy para ma-stimulate ang laway.
2. MABILIS MAHILO. Isa sa mga senyales ng dehydration ay ang pagbaba ng blood volume at blood pressure. Nagreresulta ito ng pagkahilo at pagka-light headed pagkatapos ng biglaang pagbangon mula sa pagkakahiga.
3. IRITABLE. Ayon sa pag-aaral, kapag dehydrated ang babae, mas prone sila sa fatigue, irritability, headache at hirap sa pagpo-focus. Gayunman, ang mga lalaking dehydrated ay nagkakaroon din ng fatigue at hirap sa mental tasks. Pero, pagdating sa mood, mas naaapektuhan ang kababaihan kumpara sa mga lalaki. Kaya, inum-inom din ng tubig para hindi maging moody, ha?
4. HINDI MAGANDANG WORKOUT. Ang dehydration ay nakapagpapababa ng blood pressure, gayundin, nahihirapan ang puso kung saan nakaaapekto ito sa pagpu-push sa iyong sarili. Ayon sa mga eksperto, ang 2-3% ng fluid loss ay nakaaapekto sa kalidad ng workout. Bukod pa rito, ang 5% dehydration ay nakapagpapababa ng exercise capacity.
5. PARANG LASING ‘PAG NAGDA-DRIVE. Marami sa atin ang umiihi muna bago bumiyahe, pero hindi umiinom ng tubig habang nasa biyahe. Ayon sa pag-aaral, ang pagmamaneho nang dehydrated ay delikado sa pagmamaneho nang lasing.
Ito ay sa kadahilanang nakaaapekto ang dehydration sa cognitive abilities tulad ng clear thinking and reaction time.
Akalain n’yo ‘yun? Hindi lang pala sa ihi puwedeng malaman kung dehydrated tayo. Mga besh, nakararanas man ng sintomas o hindi, dapat nating i-maintain ang pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw. Stay hydrated, beshies!
Copy?