top of page
Search
Gerard Arce

UFC FIGHTER CORMIER, DEDEPENSA NG KORONA


SUSUBUKANG muli ni Ultimate Fighting Championship (UFC) Heavyweight titlist Daniel Cormier na mapanatili ang korona laban kay Stipe Miocic sa ikalawang pagkakataon sa main event ng UFC 241 sa Agosto 17, Sabado, (Linggo ng umaga sa bansa) sa Honda Center, Anaheim California.

Magbabanggaang muli ang dalawang premyadong higante ng UFC para sa ‘rematch’ matapos pabagsakin ni Cormier (22-1, 10 KOs, 5 submissions) si Miocic (18-3, 14KOs) sa kanilang unang paghaharap noong UFC 226, Hulyo, 2018 sa unang round pa lamang.

Parehong taglay ng dalawa ang striking game at wrestling backgrounds ngunit, mas nagagamit ng kampeon ang Olympic wrestling abilities at close striking nito, samantalang susubuking bumawi ni Miocic sa pamamagitan ng kanyang length at reach upang umabot ang striking distance na may 4.76 significant strikes na 4th best sa UFC.

Mas nakalalamang si Cormier pagdating sa pagdepensa ng striking kung saan pumapasok lang ang 2.46 significant strikes dito, habang tumatanggap ng 2.96 strikes per minute si Miocic.

Pareho mang galing sa wrestling ang dalawa, na-develop nila ang striking skills nila na may mataas na 51% kay Miocic at 49% kay Cormier.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page