top of page
Search

Mga anak, tinawag na autistic, napikon… SIGAW NI KRIS: TATAKBO NA AKO PARA MAGING BOSES NG MGA NAAA

BULGAR

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

GALIT na galit na sinagot ni Kris Aquino ang isang netizen na tumawag sa mga anak niyang sina Josh at Bimby ng “the autistics”.

Burado na ngayon ang comment ng netizen, pero hindi pa rin binubura ni Kris ang sagot niya sa basher para makita ng mga fans ang naging pahayag niya.

Simula ni Kris, “Why my sons? Es­pecially Kuya Josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person, ‘Sorry, now I know what it’s like to be a killer?’ You aren’t a fan. You are a despicable coward.”

Sinabi ni Kris na may karapatan siyang sumagot sa netizen dahil ito ang unang nang-insulto.

Ipinahayag din ni Kris na nagkaroon siya ng idea na tumakbo sa position para ipaglaban ang mga walang boses, especially ang mga special children, ang mga magulang na hindi afford ang proper healthcare at ang mga single parents na nasa laylayan.

Dagdag pa ni Kris, “I am posting this separately because the arrogant fool may erase his original comment out of cowardice. Never po ako nagsimula ng away pero kilala n’yo na ako, ‘wag ang mga magulang ko at ‘wag ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko. Simple lang, ‘di ba.”

“Lahat naman kayo, alam ko pareho ang saloobin. Kung namatay na ang magulang, ‘wag bastusin ang [alaala] nila. At lahat ng mga magulang, kapag anak ang hinamak, lalaban.”

After i-delete ang comment, muling nag-iwan ng mensahe ang basher at sinabihan si Kris na ‘wag nitong gamitin ang insidente para kumuha ng simpatya sa mga netizens para sa kanyang political ambition.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page