No Problem
SINO ba ang ayaw ng maraming pera? For sure, wala, dahil isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, lalo na sa panahon ngayon. Gayunman, kahit hindi nito kayang bilhin ang totoong kaligayahan natin, alamin ang mga benepisyong naibibigay ng pera sa ating buhay:
1. KALUSUGAN. Yes, kapag may pera ka, besh, madali kang makapagpapagamot o kaya ay mas mamo-monitor mo ang iyong kalusugan dahil hindi problema sa iyo ang bill sa ospital.
2. OPORTUNIDAD. Kapag may pera, mas maraming oportunidad ang darating sa buhay mo kung saan puwede kang mag-business, mag-aral, mamasyal at kung anu-ano pa.
3. MAAABOT ANG PANGARAP. Lahat ng tao ay may pangarap, pero kung mahirap ka, napakahirap nitong abutin. Halimbawa, gusto mong magkaroon ng magandang bahay at sasakyan, hindi mo ito makukuha kung hindi ka magsisikap.
4. MAY KAKAYAHAN KANG TUMULONG. Marami sa mga kakilala natin ang kapos sa pinansiyal, kaya kapag humihingi sila ng tulong, eh, mas gusto nila ng pera kaysa bagay. Kung may extra kang pera, hindi mabigat sa bulsa at dibdib ang pagtulong, ‘di ba?
5. MAIIWASAN ANG PROBLEMA. Madalas, kapag usapang-pera na, eh, marami na ang nagtatalo riyan. Kaya kung marami tayong pera, siguro, mas maiiwasan ang bangayan.
Napakasarap mangarap, pero hindi natin kailangang magpanggap.
Sa totoo lang, hindi naman talaga natutumbasan ng pera ang ating tunay na kaligayahan, pero malaki ang parte nito para maging matagumpay ang ating buhay.
Okie?