top of page
Search
Mylene Alfonso

Wala nang ipapasa sa konsyumer, sagot na ng gobyerno — Digong | MURANG KURYENTE, APRUB


HINDI na ipapasa sa mga konsyumer ang utang ng National Power Corpora­tion (Napocor) dahil babaya­ran na ito ng gobyerno.

Ito ay makaraang lagda­an ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang Republic Act 11371 o “Murang Kuryente Act” noong August 8 ngu­nit, kahapon lamang inilabas ang naturang dokumento.

Layunin ng batas na ba­wasan ang rate ng kuryente sa pamamagitan ng pagla­laan ng share ng gob­yerno mula sa Malampaya natural gas project sa Pala­wan para ipambayad sa utang ng Na­pocor

Ang P208 bilyon mula sa net government share ng Malampaya fund ay ilalaan upang mabayaran ang mga stranded contract cost at stranded debt ng Napocor na ipinapasa sa mga konsiyumer.

Ang stranded contract cost ay ang contracted cost of electricity ng Napocor sa independent power pro­ducer habang ang stranded debts naman ay ang hindi nabayaran na financial obli­gations nang isapribado ang Napocor assets.

Nabatid na aabot sa halos P200 ang mababawas ang mga konsyumer na kumu­konsumo ng 200 kilowatt per hour kada buwan.

Gagamitin din ang pondo para sa exploration, deve­lopment at exploitation ng iba pang energy resources.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page