top of page

Bored ka na ba? MGA PARAAN PARA HINDI MAGSAWA SA ARAW-ARAW MONG GINAGAWA

  • Donna Thea Topacio
  • Aug 13, 2019
  • 1 min read

SA totoo lang, hindi lang sa relasyon pu­wedeng magsawa ang indibidwal dahil ka­hit sa trabaho o nakasana­yan ay posible rin natin itong maramdaman. Ga­yunman, ang kasawaan ay may ma­buti at hindi ma­bu­ting naidudulot sa atin, kaya para sa mga beshie natin diyan na gustong ma­iwasan ang ganitong pa­kiramdam, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. I-CHALLENGE ANG SARILI. Hindi nakagaga­nang kumilos kapag ang ginagawa mo, eh, easy na lang para sa iyo, ‘yung tipong kahit nakapikit ka, eh, yakang-yaka mo na. Kaya mainam kung kayo na mismo ang magtsa-challenge sa sarili ninyo para mas ganahan pa kayong gawin ang partiku­lar na bagay.

2. IBAHIN ANG ROUTINE. Huwag tayong mag-settle sa paulit-ulit na routine, make sure na iibahin ang gi­nagawa kada linggo para naman hindi tayo maging robot na naka-function sa lahat ng ating trabaho.

3. MAGPAHINGA. Yes, importante na nakapagpa­pahinga tayo, hindi lamang pisikal kundi pati mental dahil tao lang tayo, napapagod at kung hindi tayo ma­ka­pagpapa­hinga, hindi natin maiiwa­sang magsawa sa bagay na ating gi­nagawa.

4. MAGHANAP NG BA­GONG MOTIBASYON. Kung noon, eh, marami ka nang pangarap sa buhay, walang masama kung da­ragdagan mo pa ito, lalo na kung pakiramdam mo ay hindi na sapat ang inspirasyon mo para ganahan kang gawin ang gustung-gusto mo.

5. MAGING POSITIBO. Sa pagiging positibo, kahit pakiramdam mo ay nagsasawa ka na, darating ka sa puntong iisipin mong worth it ang lahat sa dulo. Tandaan, positivity is the key to happiness.

Kaya kung medyo nagsasawa na kayo, mga besh, kahit saang bagay pa ‘yan, make sure na ikokonsidera ninyo ang mga payong ito, ha?

Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page