top of page
Search

NIGERIAN OJUOLA, BAGONG SENTRO NG FEU SA UAAP

BULGAR

MAY natagpuan nang bagong legit na sentro ang Far Eastern University para sa darating na UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament.

Inaasahang maglalaro para sa Tamaraws ang dating Naga College Foundation slotman na si Nigerian Emman Ojuola.

Kahit graduate na ang 22-anyos na si Ojuola sa NCF, eligible o maaari pa rin siyang maglaro sa Tamaraws sa bisa ng umiiral na league rule sa student-athletes na nasa post-graduate studies.

Binansagang “Troy Rike rule”, nakasaad sa nasabing panuntunan na ang isang student-athlete mula sa hindi miyembrong UAAP school na mag-e-enroll sa graduate studies sa member school ay hindi na kailangan ng residency para makapaglaro.

Kapwa sakop ng naturang UAAP rule ang mga local at foreign student-athletes. Naglaro si Ojuola para sa NCF noong 2015-2018, kung saan giniyahan n’ya ang Tigers sa apat na championships sa Naga City Charter Intercollegiate Basketball Tournament.

Si Ojuola ang inaasahang magpupuno sa naiwang puwang ng nag-graduate nang si Prince Orizu na tumulong sa FEU para makaabot ng apat na sunod na taon sa Final Four. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page