MAAYONG ADLAW, mga beshie! Oh, sample lang ‘yan! He-he-he! Dahil Buwan ng Wika ngayong Agosto, bukod sa Tagalog na madalas nating ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao, alamin natin ang iba pang mga diyalekto na mayroon tayo rito sa Pilipinas.
1. ILOKANO. Ito ang kombinasyon ng lengguwahe ng iba’t ibang bansa tulad ng Guam, Indonesia, Hawaii at iba pa. Karamihan sa mga gumagamit ng salitang Ilokano ay ang mga nakatira sa hilagang parte ng bansa.
2. CEBUANO. Nasa 21,340,000 mga Pilipino ang gumagamit ng diyalektong ito. Kadalasan ay ginagamit ito ng mga taga-Cebu at iba pang parte ng Mindanao tulad ng Butuan, Cagayan de Oro, Davao at General Santos.
3. WARAY-WARAY. Ang mga taong gumagamit ng Waray ay kilala bilang matatapang. Kadalasan itong ginagamit sa Samar at ibang parte ng Leyte at Biliran Province.
4. MARANAOAN. Ito ay Western Austronesian language na ginagamit din sa Sabah, Malaysia. Astig, ‘di ba? Gayunman, ang gumagamit ng diyalektong ito ay ang mga nakatira sa Lanao del Norte at Del Sur.
5. TAUSUG. Tulad ng Maranaoan, ito rin ay ginagamit sa Sabah, Malaysia, pero hindi lang du’n dahil maging sa North Kalimantan, Indonesia. Wow!
6. KAPAMPANGAN. Ang mga gumagamit nito ay ang mga nakatira sa Pampanga at ibang parte ng Bataan at Tarlac.
7. BICOLANO. Ang Bicol ay isa sa malalaking rehiyon sa bansa kaya umaabot sa 2,500,000 ang gumagamit nito sa Pilipinas.
8. HILIGAYNON. Ito ‘yung diyalektong may sweet intonation na madalas ginagamit sa Aklan, Antique, Bacolod, Capiz at Iloilo.
Oh, ayan, now we know kung anu-ano ang mga diyalektong mayroon sa ating bansa.
‘Ika nga, pagyamanin ang ating wika!
Hi-hi-hi!