top of page
Search
Mylene Alfonso

Utos ng Palasyo | PABAHAY PARA SA MGA NA-‘YOLANDA’, TAPUSIN SA 2020


PINAMAMADALI ng Malacañang ang pamama­hagi ng mga pabahay sa mga biktima ng Supertyphoon Yolanda sa Tacloban.

Ito ang naging pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa katatapos na 14th Meeting on the Inter-Agency Task Force on the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects in the Yolanda Corridor (IATF-Yo­landa) na ginanap sa Ma­lacañang, kahapon.

Nabatid na target ng NHA na sa 2020 ay siyento porsiyento (100%) nang tapos ang lahat ng housing units sa mga lugar na tina­maan ng Bagyong Yolanda.

Sisiguruhin din ng pa­mahalaan na kumpleto ang mga pasilidad sa bawat pa­bahay tulad ng pailaw, ma­linis na tubig at livelihood projects gayundin ng mga pasilidad tulad ng health center at multi-purpose hall para magamit ng mga titira rito.

Batay sa pinakahuling tala ng gobyerno, as of July 31, 2019, sa kabuuang bilang na 205,128 housing units na itinatayo ng National Hous­ing Authority (NHA) ay nasa 120,615 units o 59% na ang tapos at nasa 57,064 units o katumbas ng 47% ng mga ito ay nai-turnover na sa mga benepisaryo.

Matatandaang, sa kan­yang pagbisita kamakailan sa mga lugar na sinalanta noon ng Bagyong Yolanda, inatasan niya ang mga alkalde rito na muling buhayin ang kani­lang local inter-agency com­mittees (LIAC) upang mai­pa­mahagi nang maayos ang resettlement housing pro­­jects sa kani-kanilang na­sa­sakupan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page