No Problem
SADYANG nakaaaliw manood ng mga ibong payapang lumilipad at padapu-dapo lang sa mga sanga ng puno. Parang napakapayak ng pamumuhay ng mga ibon. Pero, knows ba ninyo na ayon sa experts, ang panonood sa mga ibon ay mayroong naidudulot na benepisyong pangkalusugan:
1. NATUTUTUNAN NATING PAHALAGAHAN ANG KALIKASAN. Sey ni Ivan Phillipsen ng Wild Latitudes, ang panonood sa mga ibon ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa tao dahil sa harmonious relationship nila sa kalikasan. Sa ganitong paraan, matututunan nating humanga sa kagandahan at uniqueness ng mga ibon at ng kalikasan.
2. NATUTUTUNAN NATIN ANG PAGNINILAY SA BUHAY. Sey ng experts, ang bird watching ay epektibong meditative activity. Samantala, may pagkasensitibo ang mga ibon sa maingay na kapaligiran, bilang bird-watcher, ingatan nating makagawa ng kahit anong ingay o kaya ay pumunta tayo sa lugar na tahimik kung saan makikita mo sila nang mas maayos.
Ito ang gawaing pinakamainam para makapag-reflect tayo sa buhay at makapag-isip ng calming thoughts. Ang meditation ay nakatutulong para maging mabagal ang epekto ng pagtanda sa brain function.
3. MAIIWASAN ANG BAD MOOD. Ayon kay Josie F. Turner, Animal Welfare journalist, ang pakikinig sa musika ay nakaaapekto sa ating pagkatao. Sa mga pananaliksik na isinagawa, napag-alamang ang pakikinig sa mga ibon ay nakapag-aayos ng ating mood at nakakapagpakalma ng nerves.
4. MABABAWASAN ANG STRESS LEVEL. Sa napakaraming negativities na dulot sa atin ng iba’t ibang taong nakasasalamuha natin sa araw-araw, nagiging prone tayo sa stress. Sey ng author ng Because Birds na si Naomi Webb, ang mga ibon ay calming at relaxing.
Maituturing na epitome o ehemplo ang mga ibon ng kapayapaan at katiwasayan. Sa pamamagitan ng bird watching, pansamantala nating nailalayo ang ating sarili sa maingay na mundo.
Sadyang nakamamangha ang ganda ng mga ibon. Hindi lamang sa pisikal at emosyunal na aspeto ng pamumuhay natin ang maaapektuhan kung maglalaan tayo ng kaunting panahon para panoorin sila at pakinggan.
Sabi ni J.M Barrie ng The Little White Bird, “the reason birds can fly and we can’t is simply because they have perfect faith, for to have faith is to have wings.”
Gets mo?