
BUWAN ng Wika, ibig sabihin, buwan na ng pagkakabisado ng mga tula at marami pang iba. For sure, marami sa mga beshy natin diyan ang napapakamot sa ulo dahil hirap silang magkabisado. Kaya, don’t worry, mga beshy, narito ang ilang tips para sa pagme-memorize:
1. NGUMUYA NG BUBBLE GUM. Ayon sa mga UK Pyschologist, ang pagnguya ng bubble gum ay nakai-improve ng memory, ito ay dahil ang brain acivity sa hippocampus (importanteng parte ng utak) ay nai-increase sa tuwing tayo ay paulit-ulit na ngumunguya sa pamamagitan ng bubble gum.
2. MAG-EHERSISYO. Ang pag-eehersisyo ay nakai-improve ng learning at memory, kaya kung nahihirapan kayong mag-aral, magkabisado at kung anu-ano pa na may kinalaman sa memorya, alam n’yo na, ha?
3. ISULAT ANG KAKABISADUHIN. Nakakatamad ba, besh? Ganyan talaga, ang paraang ito ay subok na ng karamihan, kaya kung gusto mong hindi mapahiya sa klase dahil hindi ka nakapagkabisado, sundin mo na lang ang paraang ito.
4. ILAGAY SA ILALIM NG UNAN ANG KAKABISADUHIN. ‘Ika nga, kung ano ‘yung mga bagay na gusto mong maalala, eh, ilagay mo ito sa ilalim ng unan, mukhang imposible, ‘di ba? Pero, ayon sa mga eksperto, ang gawaing ito ay subok na at nangyayari talaga kung may paniniwala ka.
5. KUMAIN NG GREEN APPLE. Hindi lamang sa kalusugan ng katawan nakatutulong ang pagkain ng apple, mga beshy, dahil kaya rin nitong palakasin ang ating utak sa pamamagitan ng pagprotekta laban sa memory loss na makatutulong kung gusto nating kabisaduhin ang partikular na bagay.
Oh, ayan, para sa mga namumroblema na ngayon pa lang, huwag kayong mag-alala dahil may solusyon na para riyan. Copy?