top of page
Search

Pagnguya ng bubble gum, pampatalas ng memorya

Jersey Sanchez

BUWAN ng Wika, ibig sabihin, buwan na ng pagkakabisado ng mga tula at marami pang iba. For sure, marami sa mga beshy natin diyan ang na­papakamot sa ulo dahil hirap silang magkabisado. Kaya, don’t worry, mga beshy, narito ang ilang tips para sa pagme-memorize:

1. NGUMUYA NG BUBBLE GUM. Ayon sa mga UK Pyschologist, ang pagnguya ng bubble gum ay nakai-improve ng memory, ito ay dahil ang brain acivity sa hippocampus (importan­teng parte ng utak) ay nai-in­crease sa tuwing tayo ay paulit-ulit na ngumunguya sa pamamagitan ng bubble gum.

2. MAG-EHERSIS­YO. Ang pag-eehersisyo ay nakai-improve ng learning at memory, kaya kung nahi­hirapan kayong mag-aral, magkabisado at kung anu-ano pa na may kinalaman sa memorya, alam n’yo na, ha?

3. ISULAT ANG KA­KABISADU­HIN. Na­ka­ka­tamad ba, besh? Ganyan ta­laga, ang paraang ito ay su­bok na ng kara­mi­han, kaya kung gus­­­­­­to mong hindi ma­pahiya sa klase dahil hindi ka na­kapagkabisado, sundin mo na lang ang paraang ito.

4. ILAGAY SA ILALIM NG UNAN ANG KAKABISA­DUHIN. ‘Ika nga, kung ano ‘yung mga ba­gay na gusto mong ma­alala, eh, ilagay mo ito sa ila­lim ng unan, mukhang im­posible, ‘di ba? Pero, ayon sa mga eksperto, ang ga­waing ito ay subok na at nangya­yari talaga kung may pani­niwala ka.

5. KUMAIN NG GREEN APPLE. Hindi la­mang sa kalusugan ng ka­ta­wan nakatutulong ang pag­kain ng apple, mga beshy, dahil kaya rin nitong pala­kasin ang ating utak sa pa­ma­magitan ng pagprotekta laban sa memory loss na ma­katutulong kung gusto na­ting kabisaduhin ang par­tikular na bagay.

Oh, ayan, para sa mga namumroblema na ngayon pa lang, huwag kayong mag-alala dahil may solusyon na para riyan. Copy?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page