PATULOY ang pag-unlad ng agham o siyensiya sa mundo. Kasabay nito, naging mahirap pa rin para sa mga siyentipiko na makaimbento ng solusyon para sa cavity at artificial na pamalit sa mga ngipin, pero nakaimbento sila ng artificial dental implants. Gayunman, kasabay ng advancement ng dental science, napatunayan ng mga siyentipiko na maaaring magamot ang dental cavities at makapag-regrow ng mga ngipin ng mga bata sa natural na pamamaraan at ang maganda pa nito, puwedeng-puwede mo itong gawin nang walang alalay ng dentista, oh, ‘di ba, astig?
Sino ba ang mag-aakalang ang balat ng itlog o eggshells ay makagagamot ng cavities at may kapangyarihang makapagpapatubo ng mga ngipin? Alamin natin kung paano nga ba nare-repair ng eggshells ang mga ngipin?
Sey ng experts, ang eggshells ay mayroong 27 minerals tulad ng magnesium, silicon, phosphorous, potassium, sodium, iron, sulphur, aluminum at sandamakmak na calcium na pangunahing kinakailangan sa building elements ng mga ngipin. Mayroon din itong amino acid tulad ng lysine, methionine at cysteine. Ang komposisyong bumubuo sa balat ng itlog ay kaparehung-kapareho ng komposisyong bumubuo sa ating mga ngipin.
Ayon sa eksperimentasyong isinagawa ng Hungarian Physician na si Krompecher kasama ng grupo ng mga eksperto, natuklasan nila ang therapeutic benefits ng balat ng itlog. Paglipas ng sampung taong pagpapatuloy sa eksperimentasyon at imbestigasyon, dito nila napatunayang nakagagamot ng cavities at nakapagpapatubo ng mga ngipin ng mga bata ang eggshells dahil sa high-density bio-available calcium nito.
Matapos nito ay maraming isinagawang pag-aaral sa iba’t ibang lugar tulad ng pananaliksik na isinagawa ng Journal of Clinical & Diagnostic Research noong 2015 kung saan napatunayang ang pagsesepilyo gamit ang eggshell toothpaste ay nakatatanggal ng cavities at nakapagpapaganda ng kondisyon ng mga ngipin.
Sey ng nutritionist at medical writer na si Jenny Hills, para makagawa ng eggshell toothpaste, kailangan ng ¼ cup ng malinis na organic eggshells. Pakuluan ito sa loob ng limang minuto para maiwasan ang mga pathogen at patuyuin. Dikdiking maigi nang pinumpino at ihalo sa 2 kutsara o higit pa ng coconut oil at 1 kutsara ng baking soda. Ilagay sa garapon at gumamit ng kutsara para lagyan ng eggshell toothpaste ang sepilyo.
Samantala, kung walang sapat na panahon, sey ng author na si Vineetha ng Healthy Living, maaari ring pagkatapos dikdikin nang pinumpino ang organic eggshells ay ihalo ang ½ kutsarita nito sa paboritong pagkain.
Now we know, mga ‘tol! Sa pamamagitan ng eggshells, maa-achieve natin ang malaperlas na mga ngipin, naturally!
Copy?