top of page
Search

Antique nilindol

Jeff Tumbado

NIYANIG ng Magni­tude 3.1 na lindol ang Anti­que, kahapon ng umaga.

Batay sa inilabas na im­pormasyon ng Phivolcs, na­mataan ang lindol sa 36 kilo­meters northwest ng Patno­ngon alas-10:18 ng umaga.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin. Wala namang napa­ulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks ma­tapos ang pagyanig.

Samantala, halos 3,000 ka­tao o 911 pamilya ang apek­tado ng magkakasunod na lindol sa Batanes, kama­ka­lawa.

Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council (NDR­RMC), pumalo sa 2,963 ka­tao ang labis na naapektuhan dahil sa serye ng pagyanig kaugnay sa naranasang lin­dol, partikular sa bayan ng Itbayat, Batanes kung saan nasa walo ang nasawi at iki­nasugat ng nasa 60.

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa limang barangay sa Itbayat at kasa­lukuyang nananatili sa inili­tag na mga evacuation site sa plaza at public market sa Bgy. San Rafael.

Nasa 15 bahay, dalawang eskuwelahan at dalawang makasaysayang Simbahan ang nasira dahil sa lindol.

Patuloy naman ang pag­dating ng relief goods para sa mga apektadong re­sidente subalit, mas mara­ming tent ang kailangan dahil na rin sa rami ng mga inilili­kas doon.

Nagtulung-tulong na rin ang mga rescuer mula sa iba’t ibang ahensiya na lumi­pad patungong Itbayat para sa rescue efforts sa lugar.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page