
TALAMAK ngayon ang food poisoning kung saan marami ang napapahamak at may ilan din na binabawian ng buhay. Nakalulungkot dahil hindi natin ito naaagapan, kaya para sa kapakanan ng karamihan, narito ang mga paraan para maagapan ang pagkalason dahil sa mga pagkain:
1. IWASANG MAGHIWA NANG MAY NAIL POLISH. Naku, relate much kayo, mga sissy, noh? Bagama’t, marami ang kokontra sa inyo, paniguradong mayroon ding a-agree dahil may mga cutics ang may matapang na kemikal na posibleng maging dahilan para makontamina ang pagkain na inyong lulutuin at ihahain.
2. HUWAG GUMAMIT NG BARETA. Normal sa pamilyang Pinoy ang gumagamit ng sabong panlaba sa paghuhugas ng mga kubyertos, pero delikado ito, mga beshy dahil hindi madaling matanggal ang amoy ng bareta. Kaya kung gagamit kayo nito, make sure na masisigurado ninyong walang maiiwang sabon para maiwasan ang food poison.
3. HUWAG MADALIIN ANG PAGLULUTO. Partikular sa mga mayroong karinderya riyan kung saan sa rami ng lutong ulam na inihahain ninyo kada araw, posibleng ‘yung iba ru’n, eh, minamadali na lang ninyo para lumaki ang benta. Naku, itigil ninyo ‘yan para hindi rin kayo mapagastos nang malaki o mapa-barangay.
4. HUWAG TIKMAN ANG NILULUTO GAMIT ANG SANDOK. Mabilis na napapanis ang pagkain kapag ang ginagamit na pantikim dito ay ‘yung mismong sandok na panluto. For sure, marami rin ang relate rito, kaya iwasan na ninyo, okiee? Kapag napanis ang pagkain, sayang na ang perang pinaghirapan, maaari pang sumakit ang tiyan ninyo.
5. MAGING MATALINONG MAMIMILI. Siyempre, parte ang pamimili ng mga sangkap para hindi malason ang mga kakain ng pagkaing inyong lulutuin. Siguraduhin ninyong hindi kayo bibili ng bilasang isda, double dead na baboy at may amoy na manok.
Ngayong alam na natin ang mga paraang ito, i-apply natin ito sa ating buhay nang sa gayun ay hindi tayo mapahamak, i-share na rin natin sa ating mga mahal sa buhay.
Okidoki?