top of page
Search
Maeng Santos

Boundary ipinatalo sa sugal, konduktor kulong


KALABOSO ang isang konduktor makaraang ipatalo sa sugal ang arawang boundary sa operator ng bus sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Cayabyab, 36, konduktor ng Jet Bus (TYS 570), residente ng Upper Bicutan, Taguig City na naaresto kasunod ng reklamo sa kanya ni Rey Torno, 47, bus operator at residente ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa nakarating na report kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-9:30 ng umaga, nagkita sina Torno at Cayabyab sa gasoline station sa MacArthur Highway, Bgy. Karuhatan para sa boundary ng suspek sa kanilang huling biyahe nitong Huwebes na aabot sa halagang P7,134.

Gayunman, nang dumating si Cayabyab sa naturang lugar, sinabi nito sa kanyang operator na natalo sa sugal ang pera na pambayad sa boundary na naging dahilan upang ipadakip ni Torno sa mga pulis ang suspek.

Kasong qualified theft ang isinampa ng pulisya kontra kay Cayabyab sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page