KAYLAMIG ng simoy ng hangin dahil sa pag-ulan na ating nararanasan kung saan may ilan sa atin ang nag-iinit pa ng tubig para makaligo. Pero, ayon sa mga eksperto, mas mainam kung malamig na tubig ang ating ipanliligo dahil sa mga benefit na maidudulot nito. Alamin ang 5 benefits ng cold shower:
1. PROMOTE FAT LOSS. Ayon sa Menprovement, ang cold shower ay nakaa-activate ng brown fat na nakadye-generate ng mainit na pakiramdam sa ating katawan para tayo ay pagpawisan.
2. IMPROVES IMMUNITY. Sa pag-aaral mula sa England, pinatunayan na ang pagligo gamit ang malamig na tubig ay nakai-increase ng metabolic speed rate at white blood cells sa katawan na nakatutulong para labanan ang iba’t ibang uri ng sakit.
3. LOWER STRESS. Ang cold shower ay nakapagpapababa ng uric acid at nakabu-boost ng glutathione sa dugo na nakare-reduce ng stress. Kaya sa mga beshy natin diyan na stress na stress na sa kanilang buhay, pagligo lang ang katapat niyan.
4. ENSURES BETTER SLEEP AT NIGHT. Ayon sa aklat na may pamagat na “The four hour body”, ang 10 minuto pagligo gamit ang malamig na tubig ay nakapagbibigay ng elephant tranquilize-like effect kaya makatutulong ito para magkaroon tayo nang mahimbing na tulog. Wow!
5. ENHANCES SKIN ANG HAIR. Maging ang buhok at balat ay magiging healthy kung ang gagamitin nating tubig sa pagligo ay malamig dahil nakare-reduce ito ng panganib sa pagkawala ng natural oil na mayroon tayo kung saan mas magiging makinis ang ating balat at matibay ang ating scalp o anit.
Oh, ayan, sulitin ninyo ang malamig na panahon.
Have a healthy and happy life, mga beshy!
Okidoki?