top of page
Search

Inuto na pampalaki, tinurukan sa manoy | KELOT, NADALE SA BABY OIL

Jeff Tumbado

ISANG ex-convict ang ginagamot sanhi ng pamamaga ng ari na tinurukan ng baby oil, isang taon na ang nakalilipas sa Aklan.

Laking pagsisisi ng 26-anyos na si alyas Dexter dahil sa pag-aakalang makakadagdag ito ng kumpiyansa sa kanyang pagkalalaki sa halip ay nalagay sa balag ng alanganin ang kanyang buhay.

Kasalukuyang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital si ‘Dexter’ dahil sa sobrang kirot na nararanasan at pamamaga ng kanyang ari.

Nabatid na isang taon na ang nakalipas nang turukan ng kanyang kapwa preso si ‘Dexter’ ng baby oil sa kanyang ari habang nakakulong ito sa Aklan Rehabilitation Center dahil sa kasong possession of deadly weapon.

Ayon kay ‘Dexter’, sa unang araw ng kanyang pagpasok sa piitan ay pumayag siyang magpaturok ng baby oil bilang bahagi umano ng initiation rites sa mga baguhang preso.

Gayunman, nitong nakaraang araw lamang ay nakaranas na ng pananakit ng kanyang ari si ‘Dexter’ at nilagnat din ito ng tatlong araw dahilan para dalhin na ito sa nasabing ospital.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na naimpeksiyon ang ari ni ‘Dexter’ at namamaga na ito nang halos kasinlaki ng lata ng sardinas.

Sinabi pa ni ‘Dexter’ na pinaniwala siyang dodoble ang size ng kanyang ari kapag tinurukan ito ng baby oil.

Problemado ang lalaki sa kanyang kalagayan dahil wala siyang maituro kung sino ang nagturok sa kanya kung saan ang dati nitong mga kakosa ay inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page