PAGWASAK ang pakay ng Go For Gold sa talaan ng Guinness World Record na may pinakamaraming taong magdidribol ng bola sa iisang lugar.
Ang may hawak ng record na pinakamaraming nagdribol ay ang 7,556 na event na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong Hulyo 22, 2010. May higit 10,000 dribblers naman ang inaasahan ng Go For Gold na gagawa nito sa MOA sa Hulyo 21.
Kasunod ng pagtatala ng dribbling record ang pagsalang ng Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2019 Trophy Tour kung saan kakaibang finely-crafted World Cup trophy ang igagawad ng FIBA.
Inaanyayahan ang lahat ng Go For Gold customers na dumalo sa event, magparehistro at i-cheer ang Pinoy team para naman sa paglahok ng ‘Pinas sa world’s largest virtual cheer. At panghuli, ang Go For Gold fan ay magkakaroon na ng tsansa na magwagi ng biyahe para makasama ang Gilas team at mapanood nang live ang FIBA Basketball World Cup 2019 sa China. Ang kasunduan ay mula sa FIBA Marketing, ang strategic partnership sa pagitan ng FIBA at Infront.
Lumagda rin ang FIBA sa promotional partnership ng Go For Gold Philippines, ang pangunahing lottery scratch card brand ng Pilipinas na Powerball Marketing & Logistics Corporation.
Ang promosyon ng GFG para sa worldwide FIBA competitions ay hanggang sa Hunyo 30, 2020.
Ayon kay Powerball vice president for marketing Jeremy Go, ang GFG program ay humihikayat sa mga kabataan na kahiligan ang sports at sumali sa mga palakasan sa bansa. “The national team competitions within FIBA basketball are key. We want to capture more attention and more followers for FIBA basketball.’’
By seeking out partners in the Philippines and by bringing the FIBA Basketball World Cup Trophy to the country, we’re engaging our fans and helping them to feel a part of the World Cup competition this year,” ayon kay director general ng FIBA Media and Marketing Services (FMMS) Frank Leenders. (MC)