TODAS ang isang mangingisda matapos sumabog ang kanyang ginamit na dinamita sa karagatan ng Patnanungan, Quezon.
Pasado alas-10:00 ng umaga, habang abala sa pangingisda si Mareno Dellosa, 53, may asawa, ng Bgy. Poblacion, kung saan ito nakatuon sa paggamit ng iligal sa kanyang panghuhuli ng mga isda.
Hindi pa man umano niya inihahagis ang dinamita sa dagat nang bigla itong sumabog.