top of page
Search
Jeff Tumbado

20 estudyante ‘sinaniban’ sa iskul


MAHIGIT sa dalawam­pung estudyante ang uma­no’y sinaniban ng masamang espiritu at nagwala sa Can-Asujan National High School sa Carcar City, Cebu.

Alas-11:00 ng umaga ka­hapon habang nagsasa­gawa ng aktibidad sa loob ng es­kuwelahan nang biglang ma­walan ng malay isa-isa ang mga estudyante at kinalau­nan ay nagka­malay at biglang nagsisigaw ang mga ito.

Ang iba sa mga mag-aaral ay nanginginig at may mga binibigkas na hindi main­tindihan. Agad na isinugod sa os­­pital ang mga bata na patu­loy na ginagamot.

Sa inisyal na pagsusuri, posible umanong nakaranas ng hyperventilation ang mga bata habang ang ilan ay ma­aaring na-dehydrate dahil hindi rin sila nakainom ng tubig sa gitna ng init at pa­god sa aktibidad.

Patuloy namang nagsa­sagawa ng pagsisiyasat ang pa­munuan ng naturang pa­aralan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page