![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_7b7d9a4d29a14b04a92c8e5087ee5075~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5376bf_7b7d9a4d29a14b04a92c8e5087ee5075~mv2.jpg)
MAY bago nang management ang tropa ng SOCCSKSARGEN biglang-dagdag na expansion squad na aaksiyon sa MPBL Lakan Season. Kinumpirma ito ni League commissioner Kenneth Duremdes sa Fox Sports at sa Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ang Armor on Philippines ang magiging temporary management group na titingin sa day-to-day operations ng SOCCSKSARGEN squad na binubuo ng 31-team cast player para sa Season 3 campaign.
Sa liham na isinumite sa MPBL ng SOCCSKSARGEN team mula kay team manager Mark Bob Herceda, kinumpirma ng grupo ang deal para maging responsable sa squad ngayong season na pangungunahan ni team owner Kevin Espinosa at team manager Norm Conti.
Samantala, dalawang gun show ang isasagawa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ngayong taon sa layuning mapataas ang kaalaman at kamalayan ng sambayanan sa mabuting naidudulot ng responsableng pagmamay-ari sa aspeto ng kabuhayan at maging sa kompetisyon.
Sa AFAD Defense & Sporting Arms Show, kabuuang 60 exhibitor ang makikibahagi, habang magsasagawa ang ilang miyembro ng libreng seminars para sa responsableng pagmamay-ari, ligtas na paghawak at martial arts. Inanyayahan para makiisa sa nasabing event ang mga mga miyembro ng National Shooting Team, gayundin ang Practical Shooting group na kinabibilangan nina world champion Jethro Dionisio, Jag Lejano, Edward Rivera, Jose Delos Santos, Kahlil Viray, Huey Co, Mariboy Alejandro, Bro Tecson, gayundin sina Grace Tamayo, Marly Martyr at Evelyn Woods. Ang mga nabanggit ay makikibahagi rin sa gagawing AFAD Australasia Handgun Championship. (MC)