top of page
Search

Pinare-receive nang tapos na ang office hours | DOKUMENTO MULA SA TRANSITION TEAM ERAP, TINANGGIHAN

Mylene Alfonso

BINUWELTAHAN ng kampo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Do­magoso si dating City Ad­ministrator Jojo Alco­vendaz kaugnay sa pag-turn­over ng mga dokumento mula sa pa­nahon ni dating Mayor Jo­seph ‘Erap’ Estrada.

Umalma si Secretary to the Mayor Bernie Ang ma­karaan umanong ipangalan­dakan ni Alcovendaz na ti­nanggihan umano niya ang pag-turnover ng natu­rang mga dokumento.

Unang inihayag ni Alco­vendaz na hindi umano ti­nanggap sa opisina ni Ang ang mga itini-turnover nilang do­kumento kaya dinala nila ito sa Department of Inte­rior and Local Government (DILG).

Ipinaliwanag ni Ang na napagkasunduan ng transi­tion team nina Domagoso at Estrada na pormal na iti-turn­over ang lahat ng dokumento noong Hunyo 28, alas-10:30 ng umaga sa VIP lounge ng Quirino Grandstand, sa ha­rap ng mga kinatawan ng Commission on Audit at DILG.

Gayunman, inisnab ng transition team ni Estrada ang turnover.

Ayon kay Ang, base sa pahayag ng isang babaeng staff sa kanyang tanggapan, isang babae umano ang du­mating at sinabing ipinadala siya ni Alcovendaz, alas-5:30 ng hapon noong Hunyo 28.

Pinare-receive umano ng babae ang dokumento pero, tinanggihan ito dahil tapos na ang office hours at hindi siya awtorisado na tumang­gap ng dokumento at dapat na itinurnover ang doku­mento sa transition team ni Domagoso.

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page