top of page
Search

PINAY GUCE, PAPALO SA TOP 20 FINISH NG ARKANSAS GOLF

Eddie M. Paez, Jr.

PUMALO ang Pinay parbuster na si Clariss Guce ng 2-under-par 69 sa pangalawang round upang makapagsumite ng kabuuang 138 strokes at makatawid sa huling yugto ng 2019 Walmart Northwest Arkansas Championship sa palaruan ng Pinnacle Country Club sa Rogers, Northern Arkansas.

Sumakay si Guce, anak ng dating premyadong hinete ng Pilipinas, sa kinang ng limang birdies (holes 4, 6, 10, 12 at 15) upang makabawi sa dalawang bogeys (hole 2 at 8) sa front 9 ng paligsahan sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) na umakit ng 144 lady golfers mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig kabilang na ang USA, Spain, Korea, Ecuador, Sweden, South Africa, Thailand, Canada, Germany, England, Israel at Japan. Noong opening round, apat na birdies kontra sa tatlong bogeys ang naipakita ng Pinay.

Dahil sa naipong 4-under-par na rekord, nakaiwas sa pag-eempake si Guce, isang Symetra Tour veteran, hindi katulad ng mahigit na 70 lady golfers na nasibak sa torneo. Kabilang na rito ang isa pang Pinay na si 2018 Symetra Tour Moneyboard no. 2 Dottie Ardina (even par 142).

Sa pagpasok sa huling dalawang rounds, pupuntiryahin ni Guce ang top 20 finish dahil sa ngayon ay may kalabuan na ang tsansa niya sa isang podium performance sa bakbakang tinatrangkuhan ng 13-under-par 129 nina world no. 2 at Korean ace Sung Hyun Park (66, 63) at ni world no. 13 Carlota Ciganda (63, 66) ng Spain.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page