NAUWI sa pamamaril ang banggaan ng dalawang sasakyan sa Candelaria Bypass, Bgy. Maasin Sur, Candelaria, Quezon.
Alas-6:40 ng gabi, sakay ng kanilang Hyundai Eon ang biktimang driver na si Marvin Domenden, 35, ng Sta. Ana. Manila, kasama ang pasaherong si Domingo Dialino, may asawa, negosyante, ng Bgy. Lalig, Tiaong, Quezon, nang masagi at makabanggaan nila ang Toyota Fortuner na dala ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang driver hanggang sa kumuha ng baril ang suspek saka siya pinagbabaril maging ang kanyang kasama sa sasakyan.
Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang suspek habang isinugod ang dalawa sa pagamutan subalit, idineklara itong dead-on-arrival.