NITONG mga nakaraang araw, hindi natin maitatangging napakalakas ng ulan kung saan halos magmukha na tayong basang-sisiw kapag pumapasok sa eskuwelahan o opisina, ang hassle ‘di ba? Pero, don’t worry dahil we got you, lodi! Alamin ang mga bagay na mapakikinabangan ngayong tag-ulan:
1. EXTRA CLOTHES. Yes, kailangan ninyong magdala ng ekstrang damit dahil malaki ang posibilidad na mabasa kayo at kung sakaling mangyari ito, makasisiguro kayo na hindi kayo magpapatuyo ng damit dahil mayroon kayong puwedeng ipamalit. Gets?
2. TOWEL/HANDKERCHIEF. Minsan, nakalilimutan nating magdala ng panyo sa tuwing umaalis tayo, pero beshy, hindi lang ito dapat dalhin tuwing tag-init para pamunas ng pawis dahil keri rin itong gamiting pamunas ng katawan at ulo kapag nabasa tayo ng ulan.
3. MEDICINE. Dahil tag-ulan na, uso ang iba’t ibang sakit, partikular ang sipon at lagnat kaya para maagapan pa ninyo ito kahit paano, make sure na magdadala kayo ng gamot ninyo.
4. COMB/BRUSH. Kahit may mga panangga na tayo sa ulan, hindi pa rin natin maiiwasang mabasa, lalo na ‘yung buhok natin, kaya siguraduhin nating palagi tayong may dalang suklay para maiwasan ang sabit at haggardness.
5. ECO BAG. Hindi natin ito-tolerate ang paggamit ng plastik, kaya kung sakaling mabasa ang iba ninyong gamit, mainam na magdala kayo ng eco bag para ihiwalay ito sa mga tuyo. Okie?
Kaya, ngayong tag-ulan, huwag tayong maging pabaya sa ating kaligtasan at kalusugan. Always remember na oks ng maging handa kaysa magsisi sa huli. Okidoki?