Photo by: Miro Posadas
8 ang patay matapos banggain ng isang bus ang isang SUV. Tuluyan itong tumagilid sa NLEX sa bahagi ng Velenzuela. Dahil dito nagkaroon ng matinding trapiko na naging perwisyo ng mga pauwing pasahero.
Sa nangyaring pagbangga tumalsik sa Northbound lane ang ilan sa mahigit 20 sakay ng bus.
Nangyari ang insidente alas-siyete ng gabi (Hunyo 28 2019).
Ayon sa manager ng Buena Sher bus, aasikasuhin nila ang mga pangangailangan ng mga biktima at sasagutin nila lahat ng gastusin ng mga nakasama sa insidente.