top of page
Search
Mylene Alfonso

Hamon sa U.S., Great Britain at France | ‘PINAS, SAMAHANG BAWIIN ANG SPRATLY — DIGONG


HINAMON ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Estados Unidos, Great Bri­tain at France na samahan ang Pilipinas sa pagbawi sa Spratly.

Ito ay kasunod na rin ng mga batikos na natanggap makaraang sabihing isang simpleng maritime accident lamang ang nangyari sa Recto Bank.

Ayon kay P-Duterte, kung matapang ang mga kanlu­raning bansa ay dapat sama­han ng mga ito ang Pilipinas sa pagbawi sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ito ang hamon ko, America, Britain, France: Mag-assemble tayo dito sa Palawan tapos diretso na tayo doon sa Spratly. Aga­win na natin kung maagaw na­tin,” ani P-Duterte sa kan­yang talumpati sa ika-122 aniber­saryo ng Presidential Secu­rity Group sa Mala­cañang.

Binigyang-diin ng pa­ngulo na hindi siya natatakot ngunit, talagang walang tsan­sa ang bansa laban sa China dahil sa rami ng ar­mas ng mga ito.

Hindi ako sa hindi na­tatakot, kung gusto nila, sabi ko nga mag-imbita sila, ka­hit hindi naman talaga na­tin kaya ‘yang put*, karami ng armas d’yan ngayon,” giit ni P-Duterte.

Ayon sa pangulo, bina­tikos ng U.S. ang militari­sasyon at reclamation ng China sa South China Sea ngunit, wala naman itong ginawa para pigilan ang Bei­jing noong nagsisimula pa lamang ito.“America, who was the only power at that time who could stop it, never lifted a finger. Iyan ang totoo. Nan­dito man tayo lahat,” sabi pa ni P-Duterte.

Nanindigan din ang Chief Executive na hindi kaya ng Pilipinas na makipaggiyera sa China.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page