top of page
Search

CHAMP CIGNAL-ATENEO, PINURI ANG SCORPIONS SA D-LEAGUE

BULGAR

NATAPOS sa pagkabigo ang tinaguriang “Cinderella run” ng koponan ng Centro Escolar University sa 2019 PBA D-League noong nakaraang Martes.Pinayukod ang Scorpions, 66-98 ng Cignal-Ateneo sa Game 4 ng kanilang best-of-5 title series. “We feel bad, but we really lost to a better team,” ayon kay CEU coach Derrick Pumaren.“Ateneo is just a very strong team. They showed their dominance in today’s game. I tried to push them, but hanggang doon na lang,” dagdag nito.

Pero, sa harap ng kanilang naging malaking pagkatalo, hindi nagyuko ng ulo ang CEU dahil ayon kay Pumaren, walang dahilan para sila ay mahiya dahil ang pag-abot nila sa finals ay isa nang napakalaking achievement para sa Scorpions.

Habang nasa kalagitnaan ng quarterfinal series kontra Go For Gold-St. Benilde, naging 8-man team na lang ang Scorpions dulot ng naging alegasyon sa iba nilang players na umano’y nasangkot sa game-fixing.Sa kabila ng nangyari, nakarating sila ng semifinals kahit walo na lang ang kanilang players na pinangunahan ni Malick Diouf na nagsilbing matibay na pundasyon ng kanilang team.Pinataob din nila ang nakatapat na St. Clare College-Virtual Reality sa semifinals kung kaya umabot sila sa championship round. “My message to my team is I’d like to congratulate them for getting here despite of all the issues, the distractions. We still made it all the way here to the Finals – we were even able to steal one game from Ateneo.(VA)

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page