![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_37e08e0801124a519b0a7779fcc4a6b7~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/5376bf_37e08e0801124a519b0a7779fcc4a6b7~mv2.jpg)
NAHIHIRAPAN na ba kayong mag-isip ng babaunin ni bagets, parents? Don’t worry, we got you! Sa totoo lang, mahirap talagang mag-isip ng mga pagkaing babaunin, lalo na at matagal na panahon ninyo itong gagawin. Kaya, narito ang 5 baon tips ngayong pasukan:
1. FRUITS AND VEGETABLES. Of course, dapat makakain sila ng prutas o gulay dahil makabubuti ito para sa kanilang kalusugan. Dagdag pa rito, ang pagkain ng mga ito ay may benepisyo sa memorya na ginagamit sa pag-aaral. Oh, ‘di ba, bongga?
2. BISCUIT OR SANDWICH. Kung dehins gustong magkanin ng inyong mga anak, mainam na baunan sila ng biscuit o sandwich na papalamanan ng itlog o peanut butter. Napaka-easy lang nitong gawin, mga mamsh! Kaya, go for it!
3. CHIPS. Ooops, nagtataka kayo dahil junk food ito? No, dahil maraming paraan para makagawa ng chips na hindi masama para sa kalusugan ni bagets. Puwede kayong gumawa ng cassava chips, potato chips at banana chips. Mainam din ito nang sa gayun ay mabalanse ang alat at tamis ng kanilang baon.
4. WATER, MILK, CHOCOLATE OR JUICE. Importante na paiba-iba ang binabaong inumin nila bagets, huwag palaging plain dahil baka mawalan ng kulay ang kanilang buhay. Maganda kung paminsan-minsan, eh, pagbibigyan din natin sila sa kanilang mga gusto.
5. CANDIES. Baunan sila ng candies nang sa gayun ay hindi sila antukin sa klase, ngunit, ipaalam sa kanila ang tamang pagkonsumo nito para maiwasan ang pagkasira ng mga ngipin at pagkakaroon ng tonsillitis. Copy?
Kaya para sa mga nai-stress sa kaiisip ng ipababaon sa kanilang mga anak, maaari ninyong sundin ang tips na nasa itaas at iwasan na ang pagbabaon ng hotdog at itlog na nakakapurga. He-he-he!
Gets mo?