top of page
Search
Levi Gonzales

Lineman nakuryente, utas


DEDO ang isang lineman matapos makuryente sa kanyang ginagawang poste ng kuryente sa Bgy. Maaliw, Pitogo, Quezon.

Alas-12:40 ng tanghali, abala sa pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente sa municipal building si Bryant Aviles, 26, lineman ng Quezon Electric Cooperative I.

Nilalagyan umano ng tape ang bahagi ng live wire nang hindi nito napansin ang isa pang talop namang kuryente.

Aksidente niya itong nahawakan hanggang sa tuluyang nangisay sa lakas ng boltahe nito.

Mabilis siyang dinala sa pagamutan subalit, binawian din ito ng buhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page