
SUMALANG na kahapon sa maiksing kurso tungkol sa legislation ang unang batch ng mga baguhang kongresista na papasok sa 18th Congress.
Ayon kay House Secretary General Roberto Maling, aabot sa 135 o 145 na mga kongresista ang maituturing na first timers o bagong sabak sa Kamara.
Halos kalahati sa kabuuang bilang ng mga mambabatas.
Sinabi pa ni Maling na karamihan sa mga bagong kongresista ay galing sa lokal na pamahalaan na kanilang kinakatawan o mga nanggaling sa Sangguniang Bayan o Panlunsod.
G a y u n m a n , kinailangan pa rin aniya na magkaroon ng orientation sa mga ito dahil may pagkakaiba ang trabaho sa Kamara kumpara sa LGU.
Ang University of the Philippines-National College of Public Administration o UP-NCPAG ang nangangasiwa sa short course na ito at kabilang sa mga aktibidad ang mock committee hearings, mock sessions at iba pa.
Itinuro sa neophyte solons ang legislative process, budget process, trabaho ng legislative committees, daloy ng parliamentary procedures at iba pang mga hakbang sa paggawa ng batas.
Apat na araw ang pagsalang sa executive course na ito para sa bawat batch at ang tatlong batches ay tatapusin hanggang sa Hulyo 3 ng kasalukuyang taon.