top of page
Search

LGUs, dapat maging handa sa lahat ng uri ng kalamidad

BULGAR

Sa pagpasok ng tag-ulan, naghahanda na ang gobyerno sa kalamidad na maaaring maranasan.

Bagama’t, pinaghahandaan ito ng gobyerno, ang tanong, gaano tayo kahanda sa iba pang uri ng kalamidad tulad ng lindol?

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na lumahok sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin ngayong Hunyo 20, alas-2:00 ng hapon.

Hinihikayat ng DILG ang lahat ng gobernador, mayor at barangay chairmen na lumahok dito.

Dapat umanong obserbahan at maging handa ang LGUs sa lahat ng uri ng kalamidad dahil makatutulong ito sa pagsalba ng maraming buhay, gayundin, ang pagpapababa ng bilang ng casualties.

Sa pamamagitan ng scenario-based drills, masusubok umano ang kahandaan ng LGU sa ganitong uri ng kalamidad.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa Memorandum Circular 2019-06, maaaring makipag-coordinate ang LGUs sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para makakuha ng local earthquake scenario at mag-evaluate ng contingency plans.

Hinikayat din ng ahensiya ang LGUs na magsagawa ng infrastructure audit at i-check kung ang pampublikong mga gusali, evacuation center, health facility, daan at tulay, suplay ng tubig at iba pang government-owned asset ay may kakayahang lampasan ang mga kalamidad.

Ang lindol ay maaaring mangyari anumang oras kaya para turuan ang mamamayan na maging handa, mga lider, lumahok sa NSED!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page