top of page

Sa mga purple lover diyan, read n’yo ‘to! 6 BENEFITS NG UBE, ALAMIN!

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Jun 15, 2019
  • 2 min read

KNOWS ba ninyo na ang iba’t ibang tawag sa ube ay purple yam, violet yam, water yam at Dioscorea alata ang scientific name nito? Ang ube ay rootcrop na gulay at mayroong grayish-brown na balat at purple na laman.

Sey ng experts, mayroon itong napakaraming benepisyong pangkalusugan tulad ng mga sumusunod:

1. RICH IN VITAMINS AND MINERALS. Ang isang cup ng lutong ube (100 grams) ay mayroong 27 grams ng carbohydrates, 1 gram protein, 4 grams fiber, 13.5% potassium, 2% calcium, 4% iron at 4% Vitamin A.

2. RICH IN ANTIOXIDANTS. Ayon kay Susan McCabe (dating Anderson), Registered Dietitian at founder ng Nutrition for Thought, ang ube ay sagana sa antioxidants tulad ng anthocyanins. Aniya, ang anthocyanins ay tumutulong upang mabawasan ang pagtaas ng presyon sa dugo at maiwasan ang pagkakaroon ng cancer at diabetes.

Ang antioxidants na taglay nito ay tumutulong upang protektahan ang cells sa katawan laban sa harmful molecules na tinatawag na free radicals.

Ang mga free radical ay nakapagdudulot ng chronic diseases, cancer, heart disease, diabetes at neurodegenerative disorders.

Ang 100 grams ng lutong ube ay nagtataglay ng 40% Vitamin C na mainam na antioxidant ng katawan. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain o pag-inom ng mga sagana sa Vitamin C ay nakapagpapataas ng antioxidant level na umaabot sa 35%.

Mayroong dalawang uri ng anthocyanins na matatagpuan sa ube o purple yam, ito ay cyanidin at peonidin na ayon sa mga siyentipiko ay nakapagpapabawas sa paglaki ng cancer cells sa katawan tulad ng colon at lung cancers.

3. MAY HELP MANAGE BLOOD SUGAR. Ang flavonoids na taglay ng purple yam o ube ay nakapagpapababa ng blood sugar na sanhi ng Type 2 diabetes.

Ang labis na katabaan at pamamaga ay nakapagdudulot ng oxidative stress na maaaring humantong sa pahirapang pagkontrol ng blood sugar, insulin resistance o hindi pagtanggap at pag-produce sa katawan ng insulin at pagkakaroon ng diabetes.

Ayon sa test-tube experiment, ang flavonoids mula sa katas ng ube ay nakababawas ng oxidative stress at nagbibigay-proteksiyon sa mga cell ng atay na nagpo-produce ng insulin.

4. MAY HELP LOWER BLOOD PRESSURE. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay maaaring magbadya ng heart attack at stroke. Pero, hindi na natin kailangang mag-alala, mga ‘tol, dahil ang ube ay mayroong kakayahang magpababa ng blood pressure. Naniniwala ang mga mananaliksik na dulot ito ng antioxidants na taglay nito.

5. MAY DECREASE SYMPTOMS OF ASTHMA. Ang asthma ay isang uri ng chronic inflammatory disease sa mga daanan ng hangin sa katawan. Sey ng experts, ang pag-inom o pagkain ng mga pagkaing sagana sa Vitamins A at C, tulad ng ube ay makatutulong upang maiwasan ito. Ayon sa pag-aaral na inilathala ng Food & Function noong 2017, napag-alamang ang anti-inflammatory agents ng purple yam ay nakagagamot din ng inflammatory bowel disease at colitis.

6. BETTER DIGESTION. Ang purple yam ay may taglay na fiber na lubos na kinakailangan ng sistemang panunaw ng katawan. Upang maiwasan ang hemorrhoids, constipation at cancer sa digestive system, ang pagkain ng mga mayayaman sa fiber tulad ng purple yam ay mainam.

‘Yan mga katropa, knows na natin ngayon ang benepisyong dulot ng ube. Hindi na nakapagtataka kung bakit in na in ito sa panlasa ng ating mga lolo at lola! He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page