top of page

Shoutout sa mga balak ng mag-diet diyan... MGA TAONG LATE KUMAIN, MAHIHIRAPANG MAGPAPAYAT!

  • Donna Thea Topacio
  • Jun 14, 2019
  • 1 min read

DIET ka ba, beshy? Naku, make sure na nasa tamang oras ka kung kumain dahil kung nagda-diet ka, pero wala ka naman sa oras kung kumain, posibleng masayang lang ang pagtitiis mo dahil baka wala ring mabawas na timbang sa iyo. Tsk!

Bukod sa nakadaragdag ng timbang ang pagkain ng late, ito rin umano ay nakai-increase ng panganib sa pagkakaroon ng diabetes at heart disease.

Ayon sa mga researcher ng Perelman School of Medicine mula sa University of Pennsylvania, natuklasan na ang pagkain ng wala sa tamang oras ay nakapagpapataas ng glucose at insulin level.

Gayunman, ito rin umano ay may masamang epekto sa cholesterol level kung saan nati-trigger ang sakit sa puso o atake sa puso.

Kaya nagsagawa ang mga eksperto ng eksperimento sa 100 kabataan na mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa pagkain at lumabas sa resulta na kahit na kumain sila sa hindi tamang oras, mas lalong nadaragdagan ang kanilang timbang dahil napaparami ang kanilang kinakain kung saan hindi kaagad ito nada-digest ng kanilang tiyan.

Dagdag pa rito, sa pag-aaral ng mga American researcher, natuklasan nila na nakaaapekto rin sa memory ang pagkakaroon ng bad eating habit, kaya ang payo nila sa lahat, iwasan na ang ganitong nakasanayan dahil tiyak na magsa-suffer ang inyong kalusugan.

Kaya sa mga beshy natin diyan na busy sa kate-text o kalalaro ng mobile legends, kain-kain din sa tamang oras, okie?

Ang kalusugan kapag napabayaan, mahirap nang ibalik sa dati, pero ang mga mobile game, nand’yan lang ‘yan at patuloy na madaragdagan.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page