top of page

Helpful daw ito para sa mga beshy nating may taghiyawat… MGA BENEPISYO NG GARLIC MILK

  • Jersey Sanchez
  • Jun 13, 2019
  • 2 min read

Gatas at bawang — marami ang may ayaw dito, paano pa kaya kapag pinagsama ang mga ito? Hmmm… don’t worry mga bro at sis dahil kapag nalaman ninyo ang health benefits nito, siguradong dehins kayo mandidiri rito.

Bago natin sabihin ang mga benepisyo ng garlic milk, narito ang paraan upang gawin ito — kakaila­nganin mo nang 4 hang­gang 5 cloves ng bawang, 200 mL ng gatas. Balatan at durugin ito at saka idagdag ang gatas. Painitin ito sa medium heat at huwag pakuluin.

1. TREATS AND PREVENTS ACNE. Ayon sa mga eksperto, kabilang ito sa uri ng bakterya na propionibacterium acne. Ang pag-inom ng garlic milk ay nakatutu­long upang mapigilan ang pagdami ng acne sa pama­magitan ng pag-absorb ng dugo sa compounds na mayroon ang mixture. Sa ganitong paraan, nasisira ng garlic milk ang bakterya na nasa pores.

2. PREVENTS CONS­TIPATION & BLOATING. Ito ay kara­niwang nararanasan at nagdudulot ng imbalance ng “vata do sha” sa katawan. Ang garlic milk ay nauuri bilang ushna o mainit dahil sa heating properties nito. Dahil ito ay smooth, mabigat sa tiyan at nakatutulong sa vata, gayundin, nakagagamot ito ng constipation at bloating.

3. REDUCES RISK OF COLD & FLU. Sey ng experts, ang garlic milk ay immune-boosting drink kung saan ang regular na pag-inom nito ay nakatu­tulong upang mapigilan ang common cold, partikular kung flu season. Ayon sa pag-aaral, ang allicin na taglay ng bawang ay nakaba­bawas ng sintomas ng flu, gayundin, napabibilis nito ang recovery.

4. PROTECTS THE HEART. Base sa pag-aaral, ang bawang ay mayroong cardio-protective effect habang nababawa­san nito ang cardiac hypertrophy, hyperlipidemia, hyperglycemia at iba pang pathological condition sa cardiovascular disease. Gayunman, upang makuha ang mga benepisyong ito, regular na uminom ng garlic milk.

5. DIABETES CONTROL. Ang bawang ay mayroong antihyperglyce­mic at lipid-lowering properties kung saan ito ay nagsisilbing natural agent upang makatulong sa glycemic control at mapigilan ang kumplikasyon na konektado sa diabetes. Ang isang baso ng garlic milk ay nakatutulong upang mapa­baba ang sugar level.

Wow, bagama’t, hindi natin ma-imagine ang magiging lasa ng garlic milk, why not na subukan mo ito? ‘Ika nga nila, walang mawawala kung susubukan mo.

Ano pa ang hinihintay mo, beshy?

Let’s do this! Hi-hi-hi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page