top of page
Search
  • Alvin Olivar

PAMPANGA DELTA, BINUTATA ANG QC RISING STARS SA NBL


TINALO ng Pampanga Delta ang Quezon City Rising Stars, 83-60, noong Sabado sa pagpapatuloy ng aksiyon ng National Basketball League (NBL) Season 2 sa Bren Z. Guiao Convention Center.

Gumawa si Argel De Leon ng 15 points habang tumipa ng 13 points si Jong Villarente. Nagtala ng 12 points, 11 rebounds at 2 blocks si Mark Tungcul para sa Pampanga na umakyat ang kartada sa 3-1 sa harap ng kanilang mga kababayan. Bumaba sa 3-5 ang kartada ng Rising Stars na pinangunahan ni Brian Lazo na may 10 points para sa kanyang koponan.

Samantala, naibalik ng Parañaque Aces ang kanilang tikas matapos talunin ang Pasig Rios, 82-56. Nanguna sa atake ng Aces si Karl Sumabat na umiskor ng 13 points. Gumawa rin para sa Parañaque si Richmond Sunga na nagtala ng 11 points, 5 assists at 4 steals upang matapos ang two-game losing skid ng koponang nagkampeon noong unang season ng liga.

Bumaba ang kartada ng Rios sa 1-4 matapos ang apat na sunud-sunod na pagkatalo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page