KARAMIHAN sa mga ginagamit na ilaw ngayon ay LED na, ito ay dahil mas mababa umano ang nakokonsumo nitong kuryente kumpara sa iba. ‘Yun nga lang, alam ba ninyo na maaari nitong ma-damage ang inyong retina? Hala!
Ayon sa France government, ang LED light umano ay nakada-damage ng retina at nakadi-disturm ng natural sleep rhythms.
Sa 400 reports na mula sa French Agency, sinabi rito na ang madalas na pagtingin o pagka-exposed sa LED ay nakasisira ng retina cells na maaaring humantong sa pagkabulag.
Gayunman, bukod sa mga ilaw na ginagamit natin sa bahay, opisina at eskuwelahan, knows ba ninyo na maging ang cellphone, tablet, laptop screens ay gawa sa LED na masama sa mga mata, lalo na kung over exposed ang mga ito.
Samantala, ang stroboscopic na naaapektuhan ng LED lights ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng headaches, visual fatigue at iba pa.
Kaya, nais ng mga eksperto na magbigay ng babala hinggil sa madalas na paggamit nito dahil kung iisipin nating mabuti, wala ring saysay ang pagtitipid sa kuryente kung mga mata natin ang magsa-suffer.
Gayundin, dapat magkaroon ng limitasyon sa lahat ng bagay dahil dehins natin knows na maaari itong magbigay ng panganib sa ating kalusugan.
Oh, ayan, sa mga beshy natin diyan na gumagamit ng LED light, make sure na magiging aware kayo, ha?
Okidoki?