top of page
Search
Madel Moratillo

Mayor ng Araceli, Palawan idaraan sa toss coin


IDINAAN sa toss coin ang pagtukoy kung sino ang mananalo sa pagka-alkalde sa bayan ng Araceli, sa Palawan sa katatapos na halalan.

Ito ay matapos mag-tie ang magkatunggali na sina Sue Cudilla ng Partido Pagbabago ng Palawan at Noel Beronio ng PDP-Laban.

Kapwa nakakuha ang dalawa ng 3,495 na boto batay sa Election Returns na ipinadala sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec). “…after recording candidates ending up tied in its minutes—should by resolution and upon five days notice to all the tied candidates, hold a special public meeting at which the board of canvassers should proceed to the drawing of lots of the candidates who have tied.” Bahagi ng nakasaad sa Omnibus Election Code patungkol sa mga nag-tie na kandidato.

Nakasaad sa batas na ipoproklama ng local Board of Canvassers ang mananalong kandidato sa draw lots.

Hindi naman ito mangangahulugan na hindi puwedeng maghain ng election protest ang natalong kandidato.

Matatandaang noong 2016 elections, idinaan din sa toss coin ang nanalong mayor sa Bocaue, Bulacan matapos mag-tie ang magkatunggali na sina Joni Villanueva at Jim Valerio na kapwa nakakuha ng 16,694 votes.

Matapos ang tatlong ulit ng toss coin, si Villanueva ang idineklarang panalo at ipinroklamang nanalong alkalde.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page