top of page

Kaalaman tungkol sa Bell’s Palsy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Napansin naming parang nangiwi ang bibig ng aking nanay kung saan tila bagsak ang kabila niyang pisngi. Natatakot ka­ming baka na-stroke si nanay dahil may alta-presyon siya. Nang dalhin namin sa pinakamalapit na ospital ay hindi raw ito stroke kundi Bell’s Palsy. Hindi ipinali­wanag sa amin kung saan ito nakukuha. Ano ba ang Bell's Palsy? Kusa ba itong mawawala kahit wa­lang gamutan? — Anabel

Sagot

Ang Bell’s Palsy ay paralysis o panghihina ng kalamnan ng isang bahagi ng mukha kaya ito tumatabingi, parti­ku­lar na tinatamaan at namamaga ang cranial nerve VII na sumusu­porta sa mga kalamnan ng mukha.

Ano ang facial nerve?

Ito ang ugat sa mukha na nagmumula sa utak na dumaraan sa maliiit na butas sa bungo sa ilalim ng mga tainga. Ito ang nagpapa­galaw sa muscles sa mukha para magkaroon ng facial expressions, gayundin, ang nagpa­pasara sa talukap ng mga mata at nakatutulong sa panlasa.

Ano ang sanhi nito?

Hindi malinaw ang dahilan nito, gayunman, ang paniwala ng mara­ming neurologist, dulot ito ng herpes simplex virus. Kapag tinamaan ang cranial nerve VII, dito na nagkakaroon ng Bell’s Palsy. May mga taong nag-aakalang dahil ito sa exposure sa lamig, sobrang pag-iisip at kung anu-ano pa.

Ano ang mga sinto­mas nito?

• Biglaang paralysis o panghihina ng kalam­nan ng isang bahagi ng mukha.

• Labis na pagluha o pagkatuyo ng mga mata.

• Pananakit sa paligid ng panga o likod ng mga tainga.

• Pagiging sensitibo ng pandinig.

• Unti-unting pagta­bingi ng mukha.

• Kawalan ng pan­lasa.

• Hindi maisara ang mga mata.

• Nahihirapang mai­ku­not ang noo.

• Bumabagsak ang isang corner ng bibig.

• Tumutulo ang laway.

Ang Bell’s Palsy ay benign condition at hindi seryosong sakit, kadalasan itong guma­galing ng kusa at kaila­ngan lang ng therapy.

May ilang mga kaso na temporary o depen­de sa sanhi nito. Ang ibang case ay puwedeng permanent, lalo na kapag aksidenteng na-fracture ang temporal bone o ‘yung dinara­anan ng mga nerve.

Ano ang pagka­kaiba ng Bell’s Palsy at stroke?

Maraming nagka­kamali na ito ay stroke o transient ischemic attack. Ayon sa mga eksperto, magkaiba ang dalawang kondis­yong ito.

Sa Bell’s Palsy, ka­la­hati ng mukha ang apektado, samanta­lang, sa stroke naman, ang involved ay lower quadrant ng mukha at naikukunot pa rin ang noo. Isa pa, hindi common sa stroke na mukha lang ang apektado kundi pati mga braso, kamay, hita at binti.

Paano ito gina­gamot?

• Steroids para sa unang dalawang araw nito.

• Maaari ring ma­katulong ang anti-viral at anti-inflammatory drugs.

• Malaki ang maitu­tulong ng pagkonsumo ng Vitamin B Complex, lalo na ang B12.

• Eye care — magla­gay ng eyepad, patakan ito ng eyedrops upang hindi matuyo ang mga mata. Maaaring lagyan ng tape ang talukap ng mga mata habang natutulog.

• Facial exercise — dahan-dahang masahihin ang muscles ng mukha pataas nang 10 minuto.

• Ugaliing uminom ng maraming tubig, araw-araw.

• Makatutulong din kung paminsan-minsan ay ngumunguya ng chewing gum.

• Acupuncture — isa ito sa maraming paraan na maaaring subukan upang hindi lumala ang kalagayan ng pasyente.

• Early detection — isa sa pinakamabuti at kailangang gawin ang magpakonsulta agad sa doktor, lalo na kapag nakararanas ng ilan sa mga sintomas.

Gayunman, ang pag­sasagawa ng the­rapy ay malaki ang chance na maging mabilis ang paggaling ng pasyente.

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page