top of page
Search
  • BULGAR

Kung dati, artista lang… HEART, BIGLANG LEVEL-UP NANG MAGING MISIS NG SENADOR

MARAMING kababaihan ang nainggit kay Heart Evangelista nang mapangasawa niya si Sen. Chiz Escudero. Matalino at may malawak na kaalaman sa pulitika ang senador. Tiyak, malaki ang magiging impluwensiya nito kay Heart.

Pareho rin silang mahilig magbasa ng libro. Pag­dating sa pagma-manage ng finances, si Sen. Chiz na ang gumabay kay Heart noon upang maayos niyang maha­wakan ang kanyang kinikita sa showbiz.

Nag-level-up din ang status ni Heart nang maging may­bahay ng senador. Bukod sa yayamanin ang sirkulo niya, nakilala niya ang mala­laking tao sa pulitika at sa mundo ng pagnenegosyo.

At kahit natapos na ang termino ni Chiz Escudero bi­lang senador, muli naman itong tumakbo sa pagka-go­bernador ng Sorsogon. At kung pinalad si Chiz sa boto­han kahapon, magiging First Lady ng Sor­sogon si Heart.

Nag-effort naman si Heart na tulungan ang candidacy ng kanyang mister. May sariling career si Heart at hindi ito totally dependent kay Chiz. Bukod sa showbiz, kumikita siya nang malaki sa kanyang mga paintings at ganu’n din sa mga product endorsements.

Isa pa ring certified Kapuso si Heart at mananatili siya sa GMA Network.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page