top of page
Search

Mababangis na hayop ni Ronalyn Seminiano Reonico

BULGAR

Ang mababangis na hayop ay tutugisin ka.

Nanakawin ang iyong trono at sisirain ang iyong korona.

Sa kanilang mga mata’y huwag kang titingin

sapagkat pugad ng kasinungalinga’y iyong makikita.

Ika’y madaraya’t masisilayan

mga bagay sa sarili’y iyong kinamumuhian.

Panahon na upang sila’y harapin.

Ngunit, sa pakikibaka’y panatilihin ang distansiya

sa lugar kung saan ang mga mababangis na hayop ay naglalaro.

Kung sa saliw ng kanilang kanta’y makikisayaw,

ang iyong pagkatao’y kanilang sisirain at nanakawin ang iyong pag-aari.

Pagsapit ng dapit-hapo’y lalo pang magiging masahol.

Pagkatapos ng mahabang araw na hindi ka makalaban

habang lahat ng dungis mo’y kanilang idiniriin

kanilang ipinamumukha lahat ng iyong pagkukulang.

Panahon na upang sila’y harapin,

ngunit, ika’y lumaban nang malayo sa kanila,

malayo sa lugar kung saan sila naglalaro’t naghahasik.

Ang mababangis na hayop ay hahabulin ka.

Susubukang nakawin ang iyong trono’t korona.

Huwag kang padaraya sa mapanlinlang nilang mga mata

sapagkat sa iyo’y mapagkunwaring mukha ang ibubungad,

baka ika’y madala sa kanilang pagpapaawa.

Talasan ang mga mata, huwag magpalinlang at ‘wag makinig

sa bawat tabak ng salita nilang hindi nakasusugat.

Ito na ang panahon upang sila’y harapin

mga kasamaang kanilang sinimula’y dapat nang wakasan.

 

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page