top of page
Search
Lee Vin Nia

BTS, 4 TROPHIES ANG HINAKOT SA BILLBOARD MUSIC AWARDS

NAGHAIN ng reklamo ang agency ng BTS na Big Hit Entertainment sa California district court kaugnay ng mga unauthorized merchandise na ipinagbibili sa labas ng venue ng mga concerts ng BTS sa US.

Ayon sa report ng Billboard, nag-file ng complaint ang Big Hit Entertainment last April 25 claiming the “exclusive right” to BTS trademark.

Nag-request din sila ng court authorization for seizure and destruction of all unauthorized merchandise na ibinebenta sa labas ng mga BTS concerts by the US Marshal and other law enforcement.

Ayon pa sa kumpanya, ang mga na­sabing bootlegged merchandise such as tour, program books, T-shirts, jerseys, sweatshirts, hats, visors, buttons, posters at iba pa ay maaaring makasira sa reputasyon ng BTS at ng agency because of “inferior” quality.

Ayon pa sa report, Big Hit Entertainment cited violations of the Lanham Act, California Civil Code § 3344(a) and California Business & Professions Code §§ 17200.

Bukod dito, entitled din daw ang kumpanya sa danyos perhuwisyos because of income lost due to the sale of unauthorized merchandise.

Sa ngayon ay nakatakda nang si­mulan ng BTS ang extension ng Love Yourself: Speak Yourself World Tour ngayong May 4 and 5 sa Rose Bowl in Pasadena, California.

So far, the tour consists of stops at eight stadiums in North America, South America, Europe, and Asia.

Samantala, isa na namang malaking achievement ang inihatid ng phenomenal K-pop boy band sa kanilang bansa nang manalo sila as Top Duo/Group sa katatapos lamang na Billboard Music Awards (BBMA) last May 1 na ginanap sa Las Vegas.

Ang BTS ang first Korean artist na nanalo sa nasabing kategorya kung saan ay nakalaban nila ang mga international duo/group na Dan + Shay, Imagine Dragons, Maroon 5, and Panic! At the Disco.

Bukod dito, ang BTS din ang nanalo ng Top Social Award na 3 consecutive years nang ibinibigay sa kanila kaya sa kabuuan ay apat na tropeo na ang kanilang natanggap sa BBMA.

The only other Korean artist to have won an award from the BBMA is PSY, who won the Top Streaming Song award in 2013 for Gangnam Style.

Aside from receiving the award, nag-perform din ang grupo sa BBMA ng awiting Boy With Luv mula sa mini-album nilang Map of the Soul Persona. Kasama nilang nag-perform si Halsey na featured sa nasabing track.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page