![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_8038daad09cf496287b6936c7d30690e~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5376bf_8038daad09cf496287b6936c7d30690e~mv2.jpg)
PANAUHIN ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong unang salvo ng buwan ng Mayo si three-time Southeast Asian Games karate gold medalist at Binibining Pilipinas 2002 contestant Gretchen Malalad ngayong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Si Malalad, na dating nahalal bilang pangulo ng Philippine Karatedo Federation (PKF) noong Peb 17, ay maglalahad ng hinggil sa iba’t ibang isyu na nakaapekto sa popular na martial arts sport na karera maging ang tsansa ng bansa sa nalalapit na 30th SEA Games sa Manila.
Nasungkit ng 39-anyos na ipinagmalalaki ng Boac, Marinduque ang tatlong gold medals sa SEA Games noong 2001, 2003 at 2005 at bronze medal sa Asian Games sa Busan noong 2002. Matapos nito ay lumahok sa Binibining Pilipinas 2002 at nagwaging Ms. Talent at Ms. Red Bull Supreme at ABS CBN’s Pinoy Big Brother: Celebrity edition.
Kasamang bisita ni Malalad sa 10 a.m. sports forum na ipinalalabas sa Facebook live via Glitter Livestream ay sina karate coach Reiner de Leon, World Chess Olympiad veteran WNM Christy Lamiel Bernales, NM Marc Christian Nazario at organizer Christian Anthony Flores; mixed martial arts officials Burn Soriano at Lawrence Canavan at ang Community Basketball Association (CBA) operations director Robert dela Rosa. Tutukuyin naman ni Bernales at ng kanyang grupo ang hinggil sa Ahedres Pilipinas Chess team tournament sa May 12 sa Dapitan Sports Complex.
Ang latest tungkol sa MMA ang kay Soriano at idi-discuss ni dela Rosa ang CBA Developmental League sa mga players na isinilang noong 2001. (MC)