SIMULA na bukas, Abril 29, ang local absentee voting para sa mga botante na naka-duty sa araw ng halalan.
Ang local absentee voting (LAV) ay salig sa Comelec Resolution No. 10443 kung saan ang maaari lang makilahok ay ang mga sundalo at pulis, maging mga kagawad ng media na nagparehistro para makapag-avail ng LAV.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, naihanda na ang mga balotang gagamitin sa LAV at ibibiyahe na lang.
Gayunman, sa ilalim ng LAV, mga senador at partylist lang ang puwedeng iboto. Ayon kay Teofisto Elnas, Jr., project director para sa 2019 elections, hindi kasama sa maaaring iboto ang para sa mga lokal na posisyon.
Una nang nagsimula noong Abril 13 ang overseas absentee voting (OAV).