KULONG ang 20-anyos na lalaki matapos gahasain ang 14-anyos na babae sa Dolores, Quezon.
Sa pahayag ng biktimang si alyas Marie, dinukot siya ng suspek na si alyas Marco.
Isinakay umano siya nito sa kanyang motorsiklo at dinala sa madilim na lugar at doon hinalay bago tumakas.
Sa tulong at agarang aksiyon ng pulisya mabilis itong naaresto sa kanyang pinagtataguan.